‘Build, Better, More’ infrastructure program, pinabibilis ng Marcos administration

‘Build, Better, More’ infrastructure program, pinabibilis ng Marcos administration

PINABIBILIS ng national government ang ‘Build, Better, More’ infrastructure program upang suportahan ang iba’t ibang economic activities ng bansa.

Kinilala at muling pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang magandang legasiya ng infrastructure program ng nakaraang administrasyon na Build, Build, Build.

Aniya, ang patuloy na pag-unlad ng imprastraktura sa Pilipinas ay kinakailangan upang patuloy na mapatatag ang ekonomya ng bansa.

Binanggit ito ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati sa roundtable meeting kasama ang mga nangungunang executive ng Japanese semi-conductor, electronics, at wiring harness companies.

Ngayon, ani Pangulong Marcos, pinabibilis at ginawang prayoridad ng kaniyang administrasyon ang Build, Better, More’ infrastructure program dahil naiintindihan nila ang kahalagahan ng pag-unlad ng imprastraktura.

Tiniyak din ng Punong Ehekutibo sa Japanese investors na sisikapin ng Philippine government na tugunan ang mga logistics problem, na kanilang nabanggit sa mga nakaraang pagpupulong.

Binigyang-diin din ng Chief Executive ang pangangailangang ituloy ang isang investment-led export growth strategy para sa economic agenda ng bansa.

Katulad ng Japan, ani Pangulong Marcos, gusto nitong palakasin ang small and medium-sized enterprises.

At higit sa lahat, nilalayon aniya ng administrasyon na palaguin ang posisyon ng bansa bilang isang industrial/service hub sa rehiyon at tugunan ang mga hamon sa pamamagitan ng whole-of-government approach.

 

Follow SMNI News on Twitter