Business groups mula New Zealand, hinikayat mamuhunan sa transport infra projects ng Pilipinas—DOTr

Business groups mula New Zealand, hinikayat mamuhunan sa transport infra projects ng Pilipinas—DOTr

HINIKAYAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang business groups mula sa New Zealand na mamuhunan sa mga big-ticket transport infrastructure project ng Pilipinas.

Ayon kay Bautista, malaki ang pondong kinakailangan para sa mga nakalatag na mga transport infrastructure project ng bansa kung kaya’t nakikipagtulungan sila sa mga pribadong sektor upang maisakatuparan ang mga proyekto.

Kabilang sa mga malalaking proyekto ng bansa ay ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport, konstruksiyon ng Bukidnon Airport, Catbalogan, Dumaguete, Tacloban, at Kalibo Airport Developments, pati na ang New Manila International Airport Project.

Isa ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank na tumutulong na pondohon ang mga proyekto ng bansa.

Ang panawagan ng kalihim sa mga nasabing business groups ay kasunod ng isinagawang Philippines-New Zealand Business Council General Membership Meeting.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter