MARAMING makukuha na medalya mula sa 2024 Paris Olympics si Pinoy gymnast Carlos Yulo.
Batay ito sa tansya ng leading sports magazine na International Gymnast Online noong Hulyo 21.
Partikular na gold medal anila ang makukuha ni Yulo sa men’s floor exercises habang silver medal naman sa men’s vault.
Sa Paris Olympics, mahigit 20 ang mga atletang Pinoy na maglalaro para sa Pilipinas.