Cebu Pacific, patuloy na mag-aalok ng murang pasahe papuntang Japan

Cebu Pacific, patuloy na mag-aalok ng murang pasahe papuntang Japan

ANG Japan ang isa sa mga bansang pangarap na puntahan ng mga Pilipino.

Bukod kasi sa mga magagandang tanawin at pasyalan sa Pilipinas, meron ding magagandang mga lugar sa Japan na nakakapanabik puntahan at pagbakasyunan.

Para sa mga nagpaplanong bumisita sa Japan, narito ang ilang lugar na maaari mong bisitahin para makuha ang buong karanasan sa paglalakbay.

Tingnan ang pamana ng kultura ng Japan sa pamamagitan ng pagbisita sa isa sa mga pinakamakulay at sikat na mga templo.

Naglalaman din ito ng shopping district na tinatawag na Nakamise, na nagtatampok ng mga traditional Japanese local snacks at souvenirs.

Nagpapahintulot din ito sa mga turista na malaman ang higit pa tungkol sa mayamang kasaysayan sa Japan.

Shibuya Crossing: hindi ka maaring bumisita sa Japan na wala kang larawan dito na isa sa mga pinaka-iconic landmark sa Tokyo Japan.

Bukod sa magbibigay sayo ng agaw eksena ang pinaka busy na pedestrian, mapapa wow ka rin sa malalaking kumikislap na ilaw, at maraming restaurant at bar na maari mong paglibangan sa gabi.

Sa Shibuya rin makikita ang sikat na estatwa ng Hachiko.

Ang estatwa na ito ang sikat na asong nakita na naghihintay sa kaniyang amo araw-araw sa Shibuya station.

Sa likod ng tunay na buhay sa kuwento ng aso at ng kaniyang amo, ang estatwa ng Hachiko ang hindi maaring lampasan na puntahan ng mga turista.

Puntahan naman natin ang pinakasikat na Mt. Fuji sa Japan.

Marami ang naniniwala na ang Mt. Fuji ay isang sagradong bundok.

Makikita rin ito mula sa Tokyo at Yokohama ngunit madalas natatakpan ng mga ulap.

Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong ikonsidera ang iyong sarili na mapalad ka kung makikita mong malinaw ang tuktok ng bundok ng Fuji sa panahon ng iyong pagbisita.

Ang mga nabanggit na lugar ay ilan lamang ‘yan sa mga nakakamanghang puntahan sa Japan.

Ang Cebu Pacific ay iniimbitahan ang bawat Juan na mag-book ng kanilang mga flight at maranasan ang walang katapusang pagtuklas na iniaalok ng Japan.

Ang Cebu Pacific ay may araw-araw na balikang biyahe mula Manila patungong Fukuoka, Nagoya, at Osaka habang dalawang beses naman sa isang araw ang ruta ng Manila-Narita o vice versa.

Mayroon ding ruta mula Cebu to Narita pabalik araw-araw at balikang biyahe rin ng Clark at Narita kada araw.

Upang makita ang pinakabagong inaaalok na seat sale ng Cebu Pacific patungong Japan, maaari kang mag-book ng iyong upuan sa pamamagitan ng www.cebupacificair.com.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble