DFA, kinumpirma ang pagkasawi ng isang Filipino worker sa Qatar

DFA, kinumpirma ang pagkasawi ng isang Filipino worker sa Qatar

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Filipino worker sa isang resort sa Qatar.

Ayon sa DFA, sinusuri pa ng Philippine Embassy sa Qatar ang ikinamatay ng naturang Pilipino na hindi na pinangalanan.

Ipinaliwanag ng DFA, bilang respeto sa pamilya ng Pinoy na nasawi ay hindi na muna ito magbibigay ng karagdagang detalye hinggil sa pagkakakilanlan nito.

Ang tanging tiniyak ng DFA ay kasalukuyang tinatrabaho ang agarang repatriation ng labi.

Ang Qatari Resort kung saan namatay ang Filipino worker ay nagsisilbing training base ng Saudi Arabia Team para sa 2022 World Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter