Cha Eun-woo ng ASTRO, naghandog ng cover ng kantang “Stalker” para kay Moonbin

Cha Eun-woo ng ASTRO, naghandog ng cover ng kantang “Stalker” para kay Moonbin

NAGHANDOG si Cha Eun-woo ng South Korean boy group na ASTRO ng isang cover sa kantang “Stalker” ng 10cm’s.

Bilang tribute ito ng singer kay Moonbin, ang kaniyang kapwa ASTRO member na pumanaw noong Abril.

Ayon sa fans, ang kantang “Stalker” ay isa sa mga paboritong kanta ni Moonbin.

Samantala, uploaded ang video noong Mayo 30, 2:23 ng madaling araw.

Ang pag-upload ng video ay tumutugma sa debut date ng ASTRO noong February 23, 2016.

Kasabay rin ng video ay ang posts din ni Eun-woo ng mga larawan kasama si Moonbin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter