Chairman George Garcia, nais na magkaroon ng bagong gusali ang COMELEC

Chairman George Garcia, nais na magkaroon ng bagong gusali ang COMELEC

SA unang araw ng pag-upo ni Atty. George Edwin Garcia kahapon bilang bagong chairman ng COMELEC ay inihirit agad nito na magkaroon ng bagong opisina o gusali ang komisyon.

Ito ay kasunod ng fire incident sa isang bahagi ng opisina ng COMELEC noong nakaraang Linggo ng gabi.

Ayon kay Garcia, P8.2B ang kakailanganing pondo para sa pagtayo ng bagong tanggapan.

“Alam na alam ko sabi ko rin sa kanya na napaka-tight ‘yung ating budget not only para sa 2022, 2023 alam natin ‘yan because of the pandemic situation. Would like to concentrate on food security. Alam ko po na pupwede namang makahintay ‘yung building kaya lang baka naman kahit na kakarampot pwede naman po ‘yung budget na kailangan sa building namin ay dahan-dahan hindi naman po isang taon lang nandyan na ‘yung budget. Puwede po ‘yung for ten years sa bawat appropriation na ilalagay para makakapagsimula tayo,” pahayag ni Garcia.

Hirit naman ni Garcia, ang ibang ahensiya ay may sariling opisina pero ang COMELEC sa napakatagal na panahon ay nagrerenta pa rin.

Sa ngayon ay may opisina ang COMELEC sa 5th, 7th at 8th Floor sa Palacio del Gobernador sa Intramuros Manila.

Para sa bagong COMELEC Building sinabi ni Garcia na mayroon na silang inihandang disenyo para dito na pwedeng itayo sa kanilang 3 hectare lot sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

“Eight floors po ‘yun eh, green building sya that will include everything including the warehouse, pratically lahat ng pangangailangan…media center etc nandun lahat. It’s a three-hectare property. Hindi namin kinakailangan na punuin ‘yung 3 hectares napakalaki noon kapag ginagawa natin. But it’s a 3-hectare property and therefore we have an elbow room on what we have to do with this property,”  dagdag ni Garcia.

Ayon kay Garcia, maaring mapasama na sa kanilang proposed budget sa 2023 ang para sa pagpatatayo ng gusali.

Kailangan lamang aniyang gawan ito ng request sa DBM at si DBM Secretary Amenah Pangandaman ang gagawa ng proposal na isusumite sa Kongreso.

 

Follow SMNI News on Twitter