Pastor Apollo C. Quiboloy, bukas sa pagkakaroon ng TV program ni VP Duterte sa SMNI

Pastor Apollo C. Quiboloy, bukas sa pagkakaroon ng TV program ni VP Duterte sa SMNI

SUPORTADO ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary Chairman ng SMNI ang pagkakaroon ng TV program ni Vice President Sara Duterte sa TV network nito.

Sa kaniyang Powerline program, sinabi ni Pastor Apollo na handang gawin ng SMNI ang mga nais mangyari ni VP Duterte.

“1001%. Welcome na welcome kung itong panukalang ito. Open po Madam Vice President ang SMNI sa inyong gusto, just tell us and we will do it. Anything you would tell us. Anuman ang ipagawa ninyo sa akin, Madam Vice President, gagawin po namin ‘yan sa SMNI sa inyong kagustuhan. Welcome na welcome,” pahayag ni Pastor Apollo.

Paliwanag ni Pastor Apollo, maganda na magkaroon ng TV program si Vice President Sara Duterte upang mailahad nito ang mga programa o nagawa ng Department of Education (DepEd) at ng Office of the Vice President (OVP).

“Napakaganda po nito para ma-educate natin ang Pilipinas, buong sanlibutan sa mga programa po ninyo sa Department of Education. Kaya, mahal naming Mayor Vice President Inday Duterte, ‘yun pong panukala ninyo, sinabi ko na nga, bukas-loob po kami lalo na ako sa SMNI,” paghikayat ng butihing Pastor.

Dagdag pa ng butihing Pastor na sa pamamagitan aniya ng programa ng DepEd sa SMNI ay mabibigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan partikular na sa pagkakaroon ng mabuting asal.

“Gagawin naming lahat sa aming makakayanan para ito’y mailahad natin sa ating pamayanan at magkaroon talaga ng magandang edukasyon lalo na sa good manners and right conduct ang mga Pilipino,” ani Pastor Apollo.

Samantala, pinuri naman ng butihing Pastor ang ‘Libreng Sakay’ program ni Vice President Duterte na inilunsad sa EDSA Busway, Bacolod, Cebu at Davao City kamakailan.

Iginiit ni Pastor Apollo na malaking tulong ang nasabing programa sa mga commuter lalo na sa mga estudyante at mga mahihirap.

Ayon pa sa butihing Pastor, ang ginagawa ng bise-presidente ay tunay na public service na maipagmamalaki ng mga Pilipino.

“Ito ‘yung talagang serbisyo-publiko na kinakailangan nating makita. Salamat at nagkaroon tayo ng isang vice president na tulad po ng ating mahal na mahal na Mayor natin noon dito nanggaling sa Davao City at sa lahat ng naging vice president, ito ang pinakamaganda na vice president na pwede nating ipagmalaki sa kanyang serbisyo-publiko na ginagawa,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Follow SMNI News on Twitter