Charity event para sa Barangay Community Centers sa Ifugao, matagumpay na isinagawa sa UK

Charity event para sa Barangay Community Centers sa Ifugao, matagumpay na isinagawa sa UK

NAGING matagumpay ang isinagawang charity event sa United Kingdom (UK) para sa community centers sa Ifugao.

Ito ay pinangunahan ng mga organizer na sina Rose Licyayo Hayes at Diane Gang-Aoen ng Cordillerans UK at Hiraya Foundation.

Ang mga panauhin ay nanggaling pa sa iba’t ibang lugar ng UK at dumayo sa Leeds para suportahan ang pagtitipon.

Ang mga dumalo rito ay galing sa London, Bristol, Manchester, Liverpool, Doncaster, Wakefield, Bradford, Dewsbury, Halifax, Harrogate, Leeds, York at mayroon ding galing pa sa Amerika.

Layunin ng nasabing charity event na maipagpatuloy ang nasimulang pagtulong sa mga community centers sa Ifugao, sa pamamagitan ng extension project ng Ifugao State University, College of Education Lamut Campus.

Pinasalamatan din ng organizer ang mga dumalo para suportahan ang kanilang adhikan na makatulong sa kanilang komunidad kahit sila ay nasa labas ng bansa.

Maliban sa pangangalap ng pondo ay pinarangalan at binigyan din ng pagkilala ang mga kababayan nating Pilipino na naging frontliners sa panahon ng pandemya.

Sa pamamagitan ng charity event na ito ay kinilala ng Cordillerans UK at Hiraya Association ang malaking ambag ng ating modern heroes na nasa larangan ng healthcare.

Nagpasalamat din ang ilang sa mga nakatanggap ng parangal.

Nagkaroon din ng pagsasayaw ng tradisyunal na mga awitin at bago magtapos ang pagtitipon ay nagkaroon ng raffle draw para sa karadagdang paglilikom ng mga tulong.

Nagpasalamat din ang ilan sa mga dumalo na sila ay nakaambag sa pagtulong sa mga kabababayang Pilipino at komunidad sa Ifugao.

Isa lamang ang event na ito sa salamin ng pag-uugaling Pinoy na malayo man sa bayang Pilipinas ay likas pa rin sa atin ang pagmamahal sa ating kapwa Pilipino at sa bansang Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter