WAWAKASAN na ng Chile ang ipinapatupad nito na curfew at quarantine sa Setyembre 30, matapos ang isang taon at anim na buwan na pagpapatupad nito.
Dagdag pa rito ay magkakaroon na ng transition ang bansa patungo sa pagtanggal ng curfew at quarantine phase.
Ayon kay Chilean President Sebastian Pinera, napagdesisyunan nito ang hindi na pagpapalawig ng hakbang dahil nakikita nito ang stable na lagay ng bansa.
Samantala, pahayag naman ni Health minister, Paula Daza na sa buwan ng Nobyembre ay ipag-uutos na ng pamahalaan ang vaccination cards para sa mga may edad 12 taong gulang pataas para makasakay sa mga pampublikong sasakyan.
Umabot na sa 1.65 na milyong katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa ng Chile, habang nasa mahigit 37,000 na ang namamatay dahil sa virus.