Mga taxicabs sa Thailand, tinaninam na ng mga gulay

Mga taxicabs sa Thailand, tinaninam na ng mga gulay

TINANIMAN na ng mga gulay ang ilang mga taxicabs sa Thailand.

Napag-isipan ngayon ng mga taxicabs sa Thailand na taniman ng mga gulay ang dingding ng kanilang mga kotse, dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan.

Rooftop garden kung tawagin ng mga Thai taxi drivers ang bagong pinag kakainterisan nito, dahil narin sa kakulangan ng pagkakitaan dahil sa patuloy na pagkalaganap ng pandemya na siyang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

Gamit ang itim na garbage bag at lupa na inilagay sa bubong ng kanilang sasakyan, ito na ang simpleng paraan ng mga Thai taxi drivers upang mabawasan rin lang ni minsan ang gastos nito sa paghahanap ng ulam sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay.

Ilan sa mga itinamin nila ay mga kamatis, pipino at maging string beans.

State of the art kung ituring naman ito ng mga tao sa bansa.

Gayunpaman, sa ngayon nasa 500 taxi nalang ng Ratchapruk at Bovorn taxi companies ang gumagala ngayon sa kalsada ng Bangkok habang 2,500 sa mga ito ay sira na.

Bagong kaso ng COVID-19 sa Thailand, umabot sa higit 9,000

Samantala, umabot sa higit 9,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Thailand.

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng pamahalaan ng Thailand, umabot pa rin sa higit 9,000 ang bagong kaso ng COVID-19 rito.

Sa ulat ng Thailand ministry of health nasa 9,489 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 kung saan 269 sa mga ito ay mula sa kulungan.

Nakapagtala naman ng 129 na pagkasawi ang mga ito dahil sa pandemya habang nasa 12,805 na mga pasyente ng gumaling na at na discharged sa mga hospital.

Samantala, umabot na sa higit isang milyon at limandaang libo ang kabuuang kaso ng COVID sa Thailand habang higit 16,000 naman ang bilang ng namamatay sa virus.

SMNI NEWS