IPINATIGIL na ng bansang China ang pagbili ng anumang uri ng teknolohiya mula sa Estados Unidos dahil sa nagpapatuloy na hidwaan ng dalawang bansa.
Ilan sa pinagbabawal na makapasok sa China ay mga produktong mula sa memory chipmaker na Micron Technology Inc.
Una na ring binawasan ng United States, Europe at Japan ang Chinese access sa advanced chipmaking at iba pang teknolohiya na pinangangambahang magiging armas para sa maaaring pagsiklab ang giyera sa pagitan ng China at America.