FIRE out na ang sunog sa Manila Central Post Office.
Ayon kay Fire Senior Inspector Alejandro Ramos, 6:33 am ngayong araw ng Martes nang tuluyang naapula ang sunog sa post office na sumiklab noong Linggo ng gabi.
Ang bilang ng mga na-injured dahil sa sunog ay umakyat na sa 18.
Wala namang naitalang namatay dulot ng fire incident.
Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy sa post office.