China, nagsagawa ng military drills sa palibot ng Taiwan bilang umano’y ‘parusa’

China, nagsagawa ng military drills sa palibot ng Taiwan bilang umano’y ‘parusa’

INILARAWAN ng China bilang ‘punishment’ o parusa ang isinagawa nitong “Joint Sword-2024A” military drills sa palibot ng isla ng Taiwan dahil sa mga umano’y ‘separatist acts’ o pagkilos na nagpapakita ng separasyon sa mainland China.

Ayon ito kay Li Xi, tagapagsalita ng Eastern Theater Command ng Chinese People’s Liberation Army.

Ang nasabing military drill ay isinagawa sa Taiwan strait, sa hilaga, kanluran at silangang bahagi ng Taiwan island, kabilang sa Kinmen, Matsu, Wuqiu, and Dongyin islands.

Nagsimula ang mga pagsasanay nitong madaling araw ng Huwebes, Mayo 23 at matatapos daw hanggang Biyernes.

Ang bagong Taiwanese President ay kilalang lumalaban sa China at patuloy na nananawagan ng independence ng Taiwan mula sa Beijing.

Samantala, bilang tugon dito, nagdispatsa na rin ang Taiwan ng aerial at naval forces.

Kinundena rin ito ng Ministry of Defense ng Taiwan at sinabing gagawin nila ang lahat upang ipaglaban ang kanilang national security.

Samantala, ayon sa isang eksperto, ang ginagawa ng China laban sa Taiwan ay isang reasonableng hakbang, at ang independence ng Taiwan mula sa mainland China ay mangangahulugang digmaan habang ang separasyon nito ay ibig sabihin na walang kapayapaan.

“A spokesperson for the State Council Taiwan Affairs Office has made it very clear that we must take countermeasures and mete out punishment. So I think the follow-up actions can be imagined. And I think there is a considerable degree of breakthrough regarding the intensity and strength of the countermeasures. Any measures we adopt are justified, necessary and inevitable. The ‘Taiwan independence’ means war, while separation means no peace. This has been proved by the history of cross-Strait relations for decades,” Zheng Jian Professor, Xiamen University said.

Matatandaang na ilang beses nang pinanindigan ng gobyerno ng China na ang Taiwan ay bahagi ng kanilang teritoryo, at nangako na kukunin ang isla, sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble