CJ Perez, Jasyon Castro, paparangalan sa 2023 Awards Night ng PBA Press Corps

CJ Perez, Jasyon Castro, paparangalan sa 2023 Awards Night ng PBA Press Corps

NANGUNGUNA sa listahan ng mga makatatanggap ng parangal sa Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Awards Night ngayong Nobyembre 20, 2023 sina CJ Perez ng San Miguel Beermen at Jayson Castro ng TNT Tropang Giga.

Scoring Champion Award ang para kay Perez habang Order of Merit ang kay Castro.

Samantala, magsisilbing guest of honor sa magiging 2023 Annual Awards Night ng PBA Press Corps si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann.

Sa nabanggit na event kung saan kikilalanin ng PBA ang top performers ng Season 47 ay magbibigay ng keynote speech si Bachmann.

Kabuuang 10 awards ang ibibigay sa 2023 Annual Awards Night kabilang na ang Virgilio Dalupan Coach of the Year Trophy.

Gagawin din sa event ang induction ng bagong set ng officers ng PBA Press Corps.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble