IPINAGTANGGOL ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pamamahala nito sa P17.99B na automation contract para sa 2025 elections.
Iginiit nila na sinunod nito ang lahat ng obligasyon sa ilalim ng Freedom of Information.
Tugon ito ng poll body sa petisyong inihain sa Korte Suprema na humihiling ng transparency kaugnay ng joint venture na magpapatupad ng automated election system.
Sa naging komentaryo ring inihain ng COMELEC noong Abril 10, sinabi nito na ang constitutional right na makakuha ng official record, dokumento at datos na may kaugnayan sa mga aksyon at polisiya ng gobyerno ay hindi ganap kundi limitado alinsunod sa batas.
Follow SMNI News on Rumble