COMELEC, magsasagawa na lamang ng presidential at vice presidential interview

COMELEC, magsasagawa na lamang ng presidential at vice presidential interview

HINDI na debate format ang gagawin ng Commission on Elections (COMELEC) kung hindi presidential at vice presidential interview.

Ito ang inihayag ni Commissioner George Garcia base sa payo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Una nang inihayag ni Garcia na hindi na rin itutuloy ang Presidential at Vice Presidential Town Hall Debates na nakatakda sanang gawin sa ika-30 ng Abril at ika-1 ng Mayo dahil sa conflict of scehdule ng mga ito.

Samantala, gagawin ang panel interview sa ika-2 hanggang ika-6 ng Mayo.

Magugunitang, pinutol na ng COMELEC ang kontrata nito sa Impact Hub matapos magkaroon ng isyu sa pagbayad sa venue ng mga debate sa Sofitel Garden Plaza.

Follow SMNI NEWS in Twitter