COMELEC, papayagan na ang observers sa pag-imprenta ng mga balota simula ngayong araw

COMELEC, papayagan na ang observers sa pag-imprenta ng mga balota simula ngayong araw

IPAPAKITA na sa mga observers ang pag-imprenta ng mga balota na ginagawa sa National Printing Office sa Quezon City simula ngayong araw.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan.

Matatandaan na umani ng batikos sa isang Joint Congressional Hearing ang COMELEC matapos nitong pinagbawalan ang observers na makita ang kanilang operasyon sa Laguna warehouse at National Printing Office.

Sagot naman dito ni Commisioner George Garcia, hinigpitan nila ang viewing dahil sa banta ng pandemya kung saan umabot pa sa Alert Level 3 ang NCR at mga kalapit na probinsya.

Pero sa kabila ay nilinaw ni Garcia na nakahanda naman silang sagutin ang lahat ng mga katanungan masiguro lamang ang isang malinis na halalan.

Sinabi rin ni Garcia na magkakaroon na rin sila ng briefing tuwing Huwebes  sa media at observers upang masagot ang lahat ng mga katanungan na may kaugnayan sa halalan.

 

COMELEC, kulang sa transparency – Sen. Imee Marcos

Kulang talaga sa transparency ang COMELEC.

Ito ang naging komento ni Sen. Imee Marcos sa panayam ng SMNI News hinggil sa kasalukuyang isyu na pag-imprenta ng mga balota ng COMELEC subalit walang witness na pinapayagang makapasok sa printing office.

Sinabi ng COMELEC na ang istriktong alert levels sa COVID-19 ang dahilan nila kung bakit hindi na pinayagan ang pagpapasok ng witness sa printing office.

Ngunit ayon kay Sen. Imee, kung istrikto nga lang naman ang mga panuntunan, bakit hindi na lang rin sinuspinde ng COMELEC ang pag-imprenta nito.

May kasunod naman na hearing ayon kay Sen. Imee subalit isa itong executive session at tungkol sa nangyaring COMELEC hacking noong nakaraang mga buwan.

 

Follow SMNI News on Twitter