NANGUNGUNA pa rin sa presidential survey si dating Sen. Bongbong Marcos Jr.
Sa Pulse Asia Survey, nakakuha si Marcos ng 60 percent.
Malayo ang agwat ni Marcos sa pumangalawa na si Vice President Leni Robredo na may 15%, sumunod si Manila Mayor Isko Moreno na may 10%.
Pang-apat si Senator Manny Pacquiao na may 8%, sumunod si Senator Panfilo Lacson na may 2%.
Nakakuha naman ng score na 0.4% o mas mababa pa ang iba pang presidential candidates na sina Faisal Mangondato, Leody De Guzman, Jose Montemayor, Jr., Ernesto Abella at Norberto Gonzales.
Habang 4 percent sa mga respondent ang undecided.
Isinagawa ang survey mula Pebrero 18 hanggang 23 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents na registered voters.