Commercial agreement ng TV5 sa ABS-CBN, pinasusumite ng NTC

Commercial agreement ng TV5 sa ABS-CBN, pinasusumite ng NTC

PINASUSUMITE ngayon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang TV5 ng kanilang commercial agreement sa ABS-CBN.

Maging ang kanilang clearance mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno gaya ng BIR, BOC, NTC, at SEC.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, bubusisiin ng NTC ang proposed joint venture sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN.

Muli namang iginiit ni Cordoba na ang prangkisa na kanilang ibinibigay ng gobyerno ay isang pribilehiyo kaya dapat lang matiyak ng pamahalaan kung ito ay nagagamit nang tama.

Batay sa nakasaad  sa Memorandum Order 3-06-2022 ng NTC, ang makakatransaksyon ng kumpanyang nabigyan ng legislative franchise para makapag-operate ay kinakailangang walang outstanding obligation sa gobyerno.

Mababatid na March 2020 nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi na pinagkalooban ng prangkisa dahil sa mga paglabag nito sa batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter