SINAMPAHAN ng multiple counts of murder si Cong. Arnolfo Teves sa Department of Justice (DOJ) pero ito ay may kaugnayan sa killing incidents na naganap noong taong 2019.
Three counts ng reklamong murder ang inihain laban kay Cong. Teves sa tanggapan ng DOJ araw ng Martes.
Ayon kay Atty. Levito Baligod na umasiste sa paghahain ng reklamo, ang reklamo ay may kinalaman sa mga pagpatay noong taong 2019 na naganap sa Negros Oriental.
Isa na rito ay ang pagpatay na ginawa kay Michael Dungog na isang board member.
Ayon kay Baligod, ang involve sa pagpatay ay isang grupo ng hired assassins at si Teves umano ang nag-utos na gawin ang pamamaslang.
Ang mga pumatay ay nabayaran umano habang ang iba ay nagtratrabaho mismo kay Teves.
Motibo umano sa pagpatay ni Teves ay politika.
Itinanggi naman ni Baligod na may kaugnayan sa Degamo Case ang paghahain nila ng reklamo.
Pero ayon dito, ang mga kasama nitong biktima sa paghahain ng reklamo ay kamag-anak ni Governor Roel Degamo.