PARARANGALAN sa 2nd PSC All Women Sports Awards ang Pinay boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas bilang pagkilala sa kanilang nakuhang mga medalya mula sa 2024 Paris Olympics.
Sa pahayag ng Philippine Sports Commission (PSC), makatatanggap sila ng ‘Female Athletes of the Year’ award.
Gaganapin ang 2nd PSC All Women Sports Awards sa Marso 15, 2025 sa Century Park Hotel.