NAG-anunsiyo ang Congo na may “resurgence” ng Ebola virus sa bansa makalipas ang halos tatlong buwang pag-anunsiyo ng awtoridad na tapos na ang outbreak nito.
Ayon kay Health Minister Eteni Longondo, ang panibagong kaso ay nadiskubre na galing sa isang magsasaka kung saan ang asawa nito ay napag-alaman na ebola virus survivor.
Sinabi ni Longondo, Pebrero 1 nang makitaan ng sintomas ang pasyente habang nitong Pebrero 3 naman lumabas ang resulta ng blood test nito na nagpositibo nga ito sa Ebola virus.
Samantala, nakatulong naman ang pagbabakuna sa mahigit 40,000 na indibidwal upang mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.
Matatandaan na ang pinakahuling naitalang nakarekober mula sa Ebola virus ay nitong Oktubre 16.