SA mundo ng pagnenegosyo, dapat puno ka ng diskarte.
At dahil kilala ang Communal Ranch ng Impasug-ong sa Bukidnon sa malawak at napakagandang rancho sa buong bansa, dito kinuha ang inspirasyon ng Cowboy Town.
Rodeo feels ang serbisyo dito, pero Pinoy na Pinoy pa rin ang lasa ng mga pagkain at produkto.
Pero paano nga ba talaga nagsimula ang konseptong ito?
“My father especially, he was called then as the ‘Father of Rodeo’ here in Bukidnon and my great lola they are into ranch. So, this is an attempt to from ranch to farm to feed land to table,” ayon kay Jetaime Okinlay Gumban, Politician/Entrepreneur, Cowboy Town.
Pero gaya ng ibang mga hanapbuhay, hindi rin anila naging madali ang magpatakbo ng negosyo.
Gayunpaman, isa lang din ang kanilang sandigan, ang Poong Maykapal na siyang nagbigay ng malaking tulong na mapaunlad pa nila ang naturang hanapbuhay.
“Actually the challenge in every business is before the opening you have to cover everything.. from packaging, to workforce, marketing, inventory, consistency. We really invested on local employees. There is minsan anxious ka but once maopen na, this is the real game,” dagdag ni Gumban.
Kaya naman para sa mga tulad nilang nasa hanay ng pagnenegosyo… nais nilang maging inspirasyon din ng maraming Pilipino, hindi lang sa kanilang komunidad at bayan, kundi sa maraming Pilipino na nais umasenso sa buhay na walang ibang puhunan kundi ang tiwala sa Diyos at sarili.
“First you really have to have this passion, and whatever endeavor you wish to pursue you give your all not just 100% but 200%, your time, your effort, your investment. You have to study all areas, would this be okay, you have to have a good analysis. Second, remember the 5 P’s of marketing, the price, location (place)..esp. location and third you have to have discipline,” ayon pa kay Gumban.
Sa huli, ang tagumpay anila sa buhay ay hindi nasusukat sa dami ng pera o yaman, kundi sa kung papaano ka nakatutulong sa bayan na sila rin ay aasenso at aangat sa buhay na walang lamangan.
Giit pa nito, maging huwaran sana ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na pangalagaan at pagyamanin ang lokal na turismo ng bawat lugar para sa pag-unlad ng mamamayan nito.
“There’s is really money in tourism, there are job opportunities in tourism. And if all tourism owners, tour guides will work together, they have signaging, just like here.. syempre they will be the one to promote and we should promote local not just food, merchandise..local foods.”
“Magtulungan, kung puno ‘yung isa i-recommend sa isa, thru signaging, you help each other, you lift each other, recommend,” dagdag pa nito.
Para sa mga lokal at dayuhang turista na magagawi sa Bukidnon, huwag kakalimutan sa bucket list ninyo ang Cowboy Town Resto ng Impasug-ong, mala rodeong serbisyo, pero angat ang Pinoy na lasa at produkto!