Daan-daang estudyante sa kolehiyo sa Cebu, tuluy-tuloy ang pagtanggap ng ayuda mula kay Cong. Duke Frasco

Daan-daang estudyante sa kolehiyo sa Cebu, tuluy-tuloy ang pagtanggap ng ayuda mula kay Cong. Duke Frasco

LAKING pasasalamat ng daan-daang college students sa Carmen at Catmon sa Cebu matapos makatanggap ng cash aid mula kay Deputy Speaker Duke Frasco ng Cebu 5th District.

Ang isa, napatula pa sa labis na pagpapasalamat.

“Hindi siya madali, pero pag may faith ka in God, magagawa mo talaga ang lahat,” saad ni Odilla Colinares, 4th Year College Student.

‘Yan ang hugot sa buhay ng graduating student na si Odilla.

Sa hirap ba naman kasi ng buhay bilang estudyanteng nanay, dasal ang kaniyang panlaban sa araw-araw na hamon.

Isa siya sa maagang pumila sa pay-out ng cash assistance nilang mga iskolar ni Deputy Speaker Duke Frasco ng Cebu 5th District.

Kasama niya sa pila, ang kapwa niya graduating student na si Kobe, isang criminology student.

Aminado si Kobe na kahirapan ang hadlang sa buhay nilang mag-anak.

Pero, dinadaan niya na lang ang lahat sa diskarte.

“Sir, ang sideline ko po ay minsan mag-habal-habal driver. Minsan kung may magyaya sa akin na may kasama o kaibigan, sasama lang din ako Sir basta marangal lang ang trabaho,” ayon naman kay Kobe Montecillo, 4th Year BS Criminology Student.

Sina Odilla at Kobe ay dalawa lamang sa daan-daang beneficiary ng scholarship program sa 5th District ng Cebu.

Ayon kay Congressman Frasco, scholarship program ang priority nila sa distrito para sa ikauunlad ng mga kabataan.

“15,800 plus, to be exact. The biggest numbers of scholars sa that we have is in Liloan. We have over 9,000 scholars. The rest of the LGUs we have because we have just started lang in 2019. We have mga 6,000 plus sa the rest of the district,” pahayag ni Deputy Speaker Duke Frasco, Cebu 5th District.

Binubuo ang Cebu 5th District ng Liloan, Catmon, Compostela, Carmen, Danao City, Borbon, Sogod, at Pilar, Poro, San Francisco, Tudela Camotes Island.

Lahat, sakop ng scholarship program.

“My vision is lalo pa siyang lalawak. Lalaki pang lalo ang ating scholarship program hindi lang sa 16,000 but perhaps even more,” dagdag ni Frasco.

Samantala nang makahanap ng timing si Odilla, lakas loob siyang nagpalasamat ng personal kay Congressman Frasco.

Ang kaniyang mensahe, hindi lamang simpleng pasasalamat kundi isang tula.

Narito ang tula ni Odilla:

“Babasahin ko po sa inyo ha? Ang title po nito ay out but worth. Out, dahil graduating po ako Cong. 31 nagpatuloy, 35 matatapos nang masaya. Umiiyak, nanginginig dahil walang karamay. Subalit, nandiyan ka nang hindi ko inasahan. Ang kadiliman at liwanag ngayon ang epekto. Sinabihang may edad na pero nag-aral pa rin. Pero sa bawat word of wisdom mo, ako’y nagising. Nagising na magpatuloy pa, ibalewala ang negative dahil andiyan ka sa tabi at hindi mawawala. Aalis nang gutom, uuwi ng nakangiti, at hindi ka malilimutan sa lahat-lahat. Out of worth, blessings from you back and forth. Kakaiba ka at sana’y pagpalain pang lalo. Labis na nagpapasalamat sa’yo, Congressman Duke Frasco,” tula ni Odilla.

“Maraming salamat, salamat, thank you. I’m so proud sa ’yo. Continue on the good work. Yang ginawa mong lahat, it’s not just for you but for your family and 3 children. And you’re giving them a new lease in life gyud because of your hard work now. Congratulations!” ang tugon naman ni Frasco.

Bukod sa Catmon, namahagi rin ng cash assistance si Frasco sa mga scholar ng Cebu Technological University sa Carmen.

Gaya nang naunang pay-out, daan-daan ding scholar ang nabigyan ng cash assistance.

Sa kabuoan, nasa P5,000 to P4,000 na cash assistance ang natanggap ng mga estudyante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter