Matatag na relasyon ng Pilipinas at Japan, tiniyak ng mga opisyal ng military

Matatag na relasyon ng Pilipinas at Japan, tiniyak ng mga opisyal ng military

KAPWA nagpahayag ng kumpiyansa sina AFP chief of staff General Andres Centino at Japan Self-Defense Forces chief General Yoshihide Yoshida sa matatag na relasyon sa pagitan ng militar ng Pilipinas at Japan tungo sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Ito ay kasunod ng video teleconference ng dalawang opisyal.

Sa kanilang pag-uusap, tiniyak nina Centino at Yoshida ang commitment para sa itaguyod ang kapayapaan at kasaganaan, palakasin ang democratic resilience, at palakasin ang relasyon at alyansa.

Pinasalamatan din ni Centino ang suporta ng Japan sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular sa pagkuha ng helicopter spare parts, surveillance planes, at radar systems.

Ikinatuwa naman ni Yoshida ang imbitasyon sa kaniya ni Centino na dumalo sa closing ceremonies ng nagpapatuloy na Balikatan Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter