INAASAHANG may dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, may posibilidad na tataas ang presyo ng bawat litro ng diesel sa 20 sentimos.
Habang nasa 30 sentimos naman ang itataas ng kada litro ng kerosene.
Pagdating sa gasolina ay aasahang nasa 20 sentimos hanggang 45 sentimos ang mabawas sa presyo nito.
Nakatakda namang iaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw.