Danger-level heat index, naitala sa 5 lugar sa gitna ng El Niño

Danger-level heat index, naitala sa 5 lugar sa gitna ng El Niño

Nakapagtala ng danger-level heat index ang limang lugar sa bansa nitong Miyerkules, Nobyembre 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pinakamataas ang naitalang 43 degrees Celsius sa Puerto Princesa City, Palawan, habang umabot naman sa 42 degrees Celsius sa Cuyo, Palawan; Catarman, Northern Samar; Borongan, Eastern Samar; at Dipolog, Zamboanga del Norte.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa danger level ang heat index na nasa 42 hanggang 51 degrees Celsius, na maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Inaasahan ding aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Cuyo, Catarman at Borongan ngayong Huwebes, Nobyembre 26.

Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matagal na pagbibilad sa araw at uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang heat-related illnesses.

 

U.S., naglaan ng $4-M ayuda sa 38,000 pamilyang apektado ng El Niño

Naglaan ang United States ng apat na milyong dolyar na disaster assistance sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP) upang matulungan ang 38,000 bulnerableng pamilya na apektado ng El Niño sa Pilipinas.

Ayon kay U.S. Ambassador Lee Lipton, tututukan ng ayuda ang mga lugar na nakararanas ng tagtuyot sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Gagamitin ang tulong sa pakikipagtulungan sa WFP upang masuportahan ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development.

Inihayag ni Lipton ito kasunod ng pagbisita sa Camarines Sur kung saan nakipagpulong siya kay Governor Luis Raymund Villafuerte Jr.

Tinalakay rin nila ang mga oportunidad sa negosyo, kalakalan, advanced technology at seguridad ng supply chain.

Follow SMNI NEWS in Twitter