Danger-level heat index inaasahan sa 2 lugar sa Palawan ngayong Lunes

Danger-level heat index inaasahan sa 2 lugar sa Palawan ngayong Lunes

Nakatakdang umabot sa danger level ang heat index sa Coron at Cuyo, Palawan ngayong Lunes, Nobyembre 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Coron at 43 degrees Celsius naman sa Cuyo.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa ganitong init, habang posible rin ang heat stroke.

Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na pananatili sa ilalim ng araw at gumamit ng sombrero o payong kapag lalabas.

Pinapaalalahanan din ang lahat na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.

Follow SMNI NEWS in Twitter