Dating Pangulong FVR, bibigyan ng state funeral ngayong araw

Dating Pangulong FVR, bibigyan ng state funeral ngayong araw

BIBIGYAN ng state funeral si dating Pangulong Fidel V. Ramos ngayong araw.

Bilang pagkilala at pagsaludo sa yumaong dating Pangulo.

Hulyo 31, araw ng Linggo, nang inanunsyo ang pagpanaw ni dating Pangulong FVR sa edad na 94.

Ang state funeral ay karaniwang ibinibigay ng gobyerno sa isang pumanaw na presidente ng bansa.

Magsisimula ng alas-10 ng umaga ang programa para sa state funeral ng yumaong dating hief executive.

Gagawin ang isang private mass sa Heritage Chapel sa Taguig City.

Kasunod nito, ang departure papuntang Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Pagkatapos ng prusisyon, papasok sa Heroes Memorial Gate sa Libingan ng mga Bayani ang casket na may mga labi ng dating Pangulo.

Susundan naman ito ng full military honors.

Isasagawa naman ang funeral procession patungong grave site para sa isang burial ceremony.

Kabilang sa seremonya ang 21 gun salute,  turn-over ng flag sa pamilya (with flower drops), lowering ng urn, pagpapatugtog ng paboritong musika ni former President FVR at ang flower offering.

Inaasahang dadalo sa state funeral ni FVR ang ilang diplomatic corps, ilang government officials, pamilya, kamag anak, mga kaibigan at iba pang panauhin.

Sa gitna ng state funeral, mahigpit ding ipinapatupad ang health protocol kung saan kailangan ang lahat ng dadalo ay magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test.

Follow SMNI News on Twitter