SA isang pambihirang pagkakataon ay nagpaunlak si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ng interview sa media na naka base sa Davao City.
Sa isang intimate meet and greet ay tinanong ng media si Mayor Baste kaugnay sa ilang issue patungkol sa siyudad ng Davao at iba pa.
At isa na rito ang naging pahayag kamakailan ni Vice President Sara Duterte — posibilidad ng pagtakbo ng tatlong Duterte sa nalalapit na midterm elections.
“Lahat sila rearing na tumakbo si PRRD senator, si kuya ko si Paolo Duterte ‘yung congressman ngayon senator, si Sebastian Duterte (so tatlong ang Duterte next year for senator?) ‘yes, tatlo ang Duterte (confirmed na ba yan galing sayo VP?) yes confirmed ‘yan,” ayon kay Vice President Sara Duterte,
Ano nga ba ang saloobin dito ng nakababatang Duterte at alkalde ng Davao City?
Sabi ni Mayor Baste — ang nangyayari ngayon sa politika ang isa sa mga kinokonsidera niya sakali nga’t tumakbo siya sa pagkasenador.
Dagdag pa ng alkalde – wala pa naman silang pormal na pag-uusap ng kanilang ama at mga kapatid kaugnay ng pagtakbo nila sa Senado.
Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia – isa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga nangungunang senatorial candidate para sa nalalapit na 2025 midterm election.