DBM, inobligang bisitahin ang Bilibid

DBM, inobligang bisitahin ang Bilibid

INOOBLIGA ni Manila Rep. Benny Abante ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) upang personal na makita ang sitwasyon sa loob National Bilibid Prisons (NBP).

Saad ni Abante, mainam na pumunta doon ang mga taga-DBM para maintindihan ang urgency na maresolba ang issue ng siksikan o congestion sa loob.

“Pumunta kayo sa Bureau of Correction (BuCor) para makita ninyo ang congestion sa mga kulungan natin,” ayon kay Rep. Benny Abante.

Sa datos na hawak ngayon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, mahigit sa 30,000 ang inmates ngayon sa Bilibid.

Ani Remulla, nasa 21,000 na inmates ang nasa Maximum Security Compound habang tig-3,000 naman sa medium at minimum security.

Saad ng kalihim, hininto na nila ang pagtanggap ng mga bagong preso sa Bilibid dahil hindi na kayang i-accommodate.

Solusyon sa congestion ay dagdagan ang pondo ng BuCor upang makapagtayo ng mga bagong penal facilities.

Nanawagan naman ang Kongreso na aksiyunan ng DBM ang hiling na ito ng BuCor kontra penal congestion.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter