MALAPIT na ang pasisimula ng journey ng Pinay na si Sophia Laforteza sa K-pop world.
Ito’y dahil sa anunsiyo ng Hybe at Geffen Records, ang grupo na KATSEYE kung saan miyembro si Sophia ay ngayong buwan na ang debut.
Sa Hunyo 28, 1 pm Korea standard time, ilalabas na rin ang debut single ng grupo.
Sa Hulyo ay i-rerelease rin ang ikalawang single habang sa Agosto ang magiging kauna-unahang extended play ng Katseye.
Ang Katseye ay nabuo mula sa audition program na “The Debut: Dream Academy”.
Maliban kay Sophia, miyembro ng grupo ang Indian-American na si Lara; Swiss na si Manon; Americans na sina Megan at Daniela; at ang Korean na si Yoonchae.