NAGSAGAWA ang DENR MEO–North at Environmental Management Bureau-Central Office ng Communication, Education and Public Awareness campaign sa Brgy. 177, North Caloocan kamakailan.
Upang mapaigting pa ang pakikiisa at partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan, partikular na ang mga barangay sa Metro Manila sa tuloy-tuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay, nagsagawa ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North, katuwang ang Environmental Management Bureau – Central Office ng isang Communication, Education and Public Awareness (CEPA) campaign sa Barangay 177, North Caloocan noong Abril 12.
Ang learning activity, na pinangunahan ni MEO-North OIC Deputy Director Glenn Alvin Gustilo, ay dinaluhan ng dalawampung (20) opisyal at kawani ng Barangay 177 na aktibong nakinig at nakiisa sa mga paksang tinalakay rito—Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, R.A 11893 o ang Extended Producer Responsibility on Plastic Packaging Waste, at ang Climate Change.
Sina Engr. Rocelle Estoya at Mr. Rolando Enoc ang mga naging tagapagsalita para sa talakayan ng mga paksang nabanggit.
Nagpasalamat naman ang mga lumahok dito, sa pangunguna ni Punong Barangay Donna De Gana-Jarito, para sa mga aral at gawi na kanilang nakuha mula sa isang araw na aktibidad dahil ito magiging kapaki-pakinabang sa kanila para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga batas pangkapaligiran sa kanilang nasasakupan. Sila rin ay mas nahikayat na maging aktibo sa pagsasagawa ng mga aktibidad, katulad ng paglilinis sa mga daluyang tubig, wastong pamamahala ng mga basura, at iba pa, para sa kanilang aktibong partisipasyon sa tuluy-tuloy na isinasagawang paglilinis, pagsasaayos, at rehabilitasyon ng mga daluyang tubig sa CAMANA, sa buong rehiyon, at ng Manila Bay, sa kabuuan.