NAKIPAGKITA si Department of Education Sec. Sonny Angara kay United States Ambassador to the Philippine Marykay Carlson nitong Setyembre 17, 2024.
Natalakay nila kasama ang iba pang DepEd officials ay ang iba’t ibang programa na maaaring gawin para sa ikauunlad ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
Ang pagpapaulad rin ng better access and connectivity o beacon internet connectivity project ay napag-usapan.
Layunin ng United States Agency for International Development (USAID) na palawakin pa ang maseserbisyuhang paaralan ng beacon project.