VP Sara, tumangging mag-take ng oath sa pagdinig sa Kamara

VP Sara, tumangging mag-take ng oath sa pagdinig sa Kamara

BAGO pa man gumulong ang hearing ng House Committee on Good Governance and Public Accountability kaugnay sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP), tumanggi na si Vice President Sara Duterte na mag-take ng oath.

Iginiit ni Vice President Sara na inimbitahan siya bilang resource person at hindi bilang witness.

“Mr. Chair, when you sent a letter to the Office of the Vice President, you attached a copy of the rules in aid of legislation. Nakalagay po doon witnesses lang po ang ino-oath. Sabi niyo po ngayon sa amin resource persons kami,” saad ni Vice President Sara Duterte.

Isang point of order naman ang ginawa ni dating Pangulo at Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo bilang pagdepensa sa bise.

Pagdinig ng Kamara hinggil sa OVP budget, isang political attack ayon kay VP Sara

Sa kaniyang opening statement, binigyang-diin naman ni Vice President Sara na walang ginawang mali ang kaniyang tanggapan at walang maling paggamit sa kanilang pondo.

Kung mayroon man aniyang audit findings ay handa silang sagutin ito sa harap ng Commission on Audit at kung may mga lehitimong kaso man na isasampa ay haharapin anila ito sa tamang korte.

Pagbibigay-diin pa ng bise na malinaw na ang nasabing pagdinig ay isang political attack para sirain ang kaniyang pangalan at ang kaniyang tanggapan.

“What we are witnessing now is no ordinary legislative inquiry. This exercise is a well-funded and coordinated political attack. This much is evident from the very words of the privilege speech that prompted this inquiry—a speech that simply meant to say: “Do not vote for Sara in 2028”.

“It is clear to me that this inquiry is not about misused funds, accountability or governance. Instead, it is solely aimed at discrediting my name and my office to prevent future political contests,” aniya pa.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na hindi siya humihingi ng anumang special treatment o pagsunod sa anumang tradisyon sa budget hearing.

Kung sa tingin aniya ng mga mambabatas ay hindi pa sapat ang mga isinumite nilang mga dokumento patungkol sa kanilang panukalang pondo para sa taong 2025 ay huwag na aniya silang magbigay ng budget sa OVP.

Impeachment case, tunay na puntirya ng pagdining ng Kamara at hindi budget—VP Sara

Pero iginiit ni VP Sara na hindi naman talaga ang pondo ng kaniyang tanggapan ang puntirya ng mga mambabatas.

“Sa totoo lang, hindi naman ang budget ang puntirya ninyo dahil napakadali naman magtanggal ng budget. What you are trying to do is make a case for impeachment,” diin pa ng bise presidente.

Muling iginiit ni VP Sara na hindi siya kakandidato sa nalalapit na eleksiyon at hindi siya namumulitka.

Tanging pagtupad lamang aniya sa kaniyang sinumpaang tungkulin sa taumbayan ang kaniyang ginagawa.

Muli ring binigyang-diin ng bise na hindi siya ang problema ng Pilipinas kundi ang tunay aniyang problema ng bayan ay ang kagutuman, kahirapan, ilegal na droga, kriminalidad, terorismo, hindi sapat na healthcare, kalidad ng edukasyon at kawalan ng planong pang-imprastruktura laban sa mga kalamidad, at marami pang iba.

VP Sara, magpapatuloy sa pagsilbi sa taumbayan sa kabila ng mga paninira

Sa huli sinabi ng pangalawang pangulo na patuloy man siyang siraan ay hindi siya hihinto na pagsilbihan ang taumbayan.

“So, you may try to destroy me. You can skin me alive, burn me, and throw my ashes to the wind. But let it be known: You will find me unbowed. I will continue to serve the Filipino people, no matter the personal cost or political intrigue,” giit nito.

Hindi na tinapos ni VP Sara ang nasabing pagdinig.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble