Developer ng Camp John Hay sa Baguio City, pinapaalis ng SC

Developer ng Camp John Hay sa Baguio City, pinapaalis ng SC

OBLIGADONG lisanin o bakantehin na ng developer ng Camp John Hay sa Baguio City ang naturang lugar, batay sa Supreme Court En Banc decision na isinulat naman ni Associate Justice Jafar Dimaampao.

Ito’y matapos kinatigan ng Korte Suprema ang Petition for Certiorari na inihain ng Basis Conversion Development Authority (BCDA), laban sa Camp John Hay Development Corporation.

Sa kabuuan ay may lawak ito na 625 hectares at mula diyan ay 247 hectares ang kasalukuyang inookupa ng Camp John Hey Development Corporation.

Sa ilalim ng kapangyarihan ng BCDA ay may mandato sila na mag may-ari o umupa ng mga lupang pagmamay-ari ng mga Amerikano noong sila ay pinaalis sa Pilipinas, pero nagkaroon ng kasunduan ang dalawang kompanya subalit dumating sa punto na nagdemandahan.

Inihain ng BCDA ang arbitration sa Philippine Dispute Resolution Center Incorporated ang usapin at kinatigan sila kaya nai-award sa kanila ang pagmamay-ari ng Camp John Hey.

Matapos niya ay umapela sa Regional Trial Court ng Baguio City ang developer ng Camp John Hay at sila ay pinaburan ng korte kaya naman umapela ang BCDA sa Court of Appeal at Supreme Court na pumabor naman.

Follow SMNI NEWS on Twitter