SIMULA sa araw na ito o Biyernes hanggang Martes o Pebrero 2 ay pansamantala munang sarado ang main office ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa may Roxas Boulevard, Pasay City.
Ayon sa DFA, maaari pa itong lumipat ang iskedyul ng pagbubukas ng tanggapan ng DFA o depende na lamang sa resulta ng assessment.
Sa kanyang Twitter account ay inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na isasailalim muna sa lockdown ang gusali ng DFA kung saan sasailalim din sa COVID-19 test ang mga tauhan ng kagawaran.
Ayon pa kay Locsin na bagama’t nagnegatibo sa COVID test, sa ngayon ay kailangan niya munang sumailalim sa quarantine matapos na ma-expose sa ilang kasamahan sa DFA na nagpositibo sa naturang sakit.
Samantala, ang mga consular services ng DFA-Consular Office sa Aseana ay mananatiling bukas sa publiko.