TINIYAK ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na prayoridad ng administrasyong Marcos Jr., na mapagkalooban ng pabahay ang mga informal settler families na nakatira sa mga danger zone area.
Ang pagtitiyak ng ahensiya ay matapos makita ang sitwasyon ng gumuhong Estero de Magdalena sa Maynila na ikinasawi ng 3 katao.
Alinsunod na rin ito sa kautusan ng pangulo na kailangang unahin ang mga mahihirap na mabigyan ng pabahay.
Nakaplano na ang implementasyon at mga solusyon sa ilalim ng Pambansang Pabahay Programa para sa Pilipino.
Magugunitang, target ng gobyerno na makapagtayo ng 6.5 milyong units ng pabahay hanggang sa 2028.