NAGPAABOT ng mensahe si Interior Secretary Benhur Abalos sa mga Pilipino na makiisa sa paglaban kontra AIDS sa bansa.
Ngayong araw, Disyembre 1 ang pagkilala bilang World AIDS Day.
Kasabay rito ang panawagan ng kalihim sa mga LGUs na paigtingin ang mga programa nito gaya ng AIDS councils (LAC)/local AIDS coordinating body, at iba pang interventions laban HIV/aids.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 50 bagong kaso ng HIV/AIDS ang naitatala kada araw para sa taong 2023.
Ikinababahala naman ito ng pamahalaan at dapat anila itong matugunan sa lalong madaling panahon.