UMABOT na sa 4.8K (4,839) tonelada ang sulfur dioxide emissions ng Bulkang Kanlaon nitong Sabado, Agosto 10 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ito na ang pinakamataas na gas emission na nai-monitor sa naturang bulkan simula nang pumutok ito noong Hunyo 3.
Ipinaalala muli ngayon ng PHIVOLCS na nakataas pa rin ang alert level 2 sa Bulkang Kanlaon kung kaya’t manatiling iwasan ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone.
Sakali ring may ash fall ay mainam na takpan ang bibig at ilong ng mask o mamasa-masa subalit malinis na tela.