Direct flight ng Cebu Pacific mula Manila papuntang Da Nang, Vietnam, available na

Direct flight ng Cebu Pacific mula Manila papuntang Da Nang, Vietnam, available na

SINIMULAN na ng Cebu Pacific ang kanilang direct Manila-Da Nang, Vietnam flight nitong Huwebes, Disyembre 7, 2023.

Sa news release ng Air Carrier, 7:25 ng gabi umalis sa Manila ang eroplano at dumating ito sa Da Nang, 9:30 Vietnam time.

Ang direct flight na ito ay available tatlong beses sa isang linggo partikular na sa araw ng Martes, Huwebes, at Sabado.

Ang Da Nang na ang ikatlong direct flight destination ng Cebu Pacific sa Vietnam kasama na ang Ho Chi Minh City at Hanoi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble