Distribusyon ng ECQ ayuda sa NCR, pinatitiyak na hindi magiging super spreader events—Eleazar

Distribusyon ng ECQ ayuda sa NCR, pinatitiyak na hindi magiging super spreader events—Eleazar

PINATITIYAK ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  na hindi magiging “super spreader events” ang distribusyon ng cash aid sa Metro Manila.

Ngayong araw, sinimulan na ng mga Local Government Unit ang pamamahagi ng “ECQ Ayuda” sa mga low income families.

Ayon kay Eleazar, dapat tiyakin ng mga pulis na nasusunod ang minimum public health safety standards at quarantine protocols lalo na ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pamamahagi ng ayuda.

Hindi aniya dapat mangyari sa cash aid distribution ang nangyari noong nakaraang linggo sa iba’t-ibang vaccination centers kung saan dinumog ng mga tao.

Sinabi ni Eleazar na dapat alam ng mga pulis ang schedule at sistema ng pamamahagi ng ayuda sa kani-kanilang areas of responsibility.

 

SMNI NEWS