DOLE, naglaan ng P19-B financial assistance para sa local workers at OFWs

NAGLAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondong P19 bilyon bilang financial assistance sa halos dalawang milyong manggagawang Pinoy sa bansa at nasa 500,000 overseas Filipino workers (OFWs) para sa taong 2021.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroon lamang na P16 bilyong pondo ang DOLE para sa assistance program ngunit nadagdagan ito ng P3 bilyon mula sa pondo ng Department of Tourism (DOT) para naman sa mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Pinaliwanag ni Bello na ang DOLE ang inatasan para sa pamamahagi ng P3 bilyong pondo mula sa DOT para sa mga manggagawa sa tourism industry.

Ani Bello, ang departamento ay may pondong P5,000 para sa bawal qualified formal workers o indibidwal na nagtatrabaho sa isang kumpanya, at 200 dollars o P10,000 para sa mga OFWs na apektado ng pandemya.

Bukod sa pinansyal na tulong sa mga formal workers at OFWs, sinabi din ni Bello na may pondo rin ang DOLE para sa mga informal workers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.