PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na bilhin ang mga lumang jeepney.
Isa sa layunin nila rito ang mabigyan ang mga operator at drivers ng karagdagang pang-capital para makabili ng bagong units alinsunod sa modernization program ng gobyerno.
Posibleng masisimulan ang pagbili sa mga ito sa taong 2025 basta’t matatapos na ng DOTr ang kanilang pag-aaral kung paano pa ipatupad ang programa.
Maliban sa pagbili ng mga lumang jeep, magbibigay rin ng subsidiya ang DOTr sa mga transport service entity.
Sa ngayon nasa P2.26-B na ang nailabas ng DOTr na subsidies sa 486 na transport service entities.