BUMABABA na ang kaso ng Flu-like Human Meta-Pneumo-Virus (HMPV) sa China.
Ayon ito sa Chinese Center for Disease Control and Prevention kahit na naging international concern ito dahil sa posibleng pag-usbong nito bilang panibagong sanhi ng pandemya.
Kasabay ng impormasyon ay nilinaw na rin ng China na hindi bagong virus ang HMPV.
Sa katunayan, ilang dekada na anila ito hindi gaya ng COVID-19.