Dragon Warriors, muling dinomina ang first leg ng 2023 Dragon Boat race

Dragon Warriors, muling dinomina ang first leg ng 2023 Dragon Boat race

MULI na namang humakot ng panalo ang Army Dragon Warriors sa katatapos lang na first leg ng 2023 Dragon Boat Race kahapon sa Manila Baywalk Dolomite Beach.

Naiuwi ng grupo ang kampeonato sa dalawang kategorya, ang Women’s and Open Standard 200 meters.

Naging dikit naman ang laban pagdating sa Mixed dahil 58 milliseconds lamang ang naging lamang ng Polilio Dragon Boat para talunin ang Army Dragons at maiuwi ang panalo sa ikatlong kategorya.

Espesyal naman para sa 18 teams na binubuo ng 650 paddlers ang karerang ito dahil ang mga nagwagi ay may tsansang iripresenta ang Pilipinas sa Club Crew World Championships sa Italya sa susunod na taon.

Nanawagan naman ang bawat grupo na pag-ibayuhin pa ng pamahalaan ang kanilang mga hakbang sa pagprotekta sa kalikasan lalo na sa mga karagatan na pinagdadausan ng kanilang laro.

Kasunod ito ng napaulat na oil spill sa karagatan ng Mindoro na umabot na sa Batangas, Palawan, at Antique.

Follow SMNI NEWS in Twitter