Drive thru COVID-19 saliva collecting sites, matatagpuan na rin sa ilang malls

MAYROON na ring drive thru RT-PCR saliva test collecting sites sa ilang malalaking shopping mall sa bansa.

Ito ay matapos lumagda ng Mutual of Agreement (MOA) ang Philippine Red Cross at SM Supermalls ukol dito ngayong hapon sa Mandaluyong City.

Ayon kay PCR Chairman at Senador Richard Gordon, hanggang kaninang alas 2 ng hapon ay nasa 25 katao na ang nagpa-test sa drive-thru saliva test site sa SM Mall of Asia at 53 naman sa SM Megamall.

Nakatakda namang mag set-up ang PRC ng saliva test sites sa lahat ng kanilang chapters sa buong bansa ngayong Pebrero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.