Dubai leg ng “Pagtatag!” tour ng SB19, tuloy na

Dubai leg ng “Pagtatag!” tour ng SB19, tuloy na

MATUTULOY na sa Abril 24, 2024 ang Dubai leg ng “Pagtatag!” world tour ng p-pop group na SB19.

Ayon sa kanilang sariling talent agency na 1Z Entertainment, gaganapin ang concert sa The Agenda, Dubai Media City.

Kung matatandaan, Nobyembre 2023 sana gagawin ang Dubai leg ng concert subalit Oktubre 2023 ay inanunsiyo ng SB19 na suspendido muna ito kasabay ang iba pang Asian leg ng world tour.

Samantala, ang nasuspinde ring Japan leg ay tuloy na sa Abril 29 at gaganapin ito sa Japan Pavilion, Tokorozawa Sakura Town, Saitama.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter