NATALAKAY nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at Chinese President Xi Jinping ang patungkol sa trade imbalance sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ito ay sa ginanap na bilateral meeting ng dalawang lider sa gitna pa rin ng state visit ni Pangulong Marcos sa China.
Sinabi ni Pangulong Marcos na isa sa mga nakikitang sagot upang tugunan ang ‘trade imbalance’ ang tinatawag na ‘durian protocol’ o pag-iimport ng China ng durian sa Pilipinas.
Napagkasunduan ng dalawang bansa ang protocol ng phytosanitary requirements para sa pag-export ng sariwang durian mula Pilipinas patungo sa China.
Inaasahan din ang paglagak ng investments sa durian-producing regions sa Mindanao.